Tuesday, September 17, 2019

Proyekto sa Filipino 1

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

YUNIT I:
ARALIN 1:
 WIKA, KOMUNIKASYON, AT WIKANG PAMBANSA

Image result for wika images
  • WIKA - ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng tunog o kaya mga pasulat na letra na inuugnay sa mga kahulugan
Mga Uri ng Wika
  1. Sosyolek
  2. Idyolek
  3. Diyalekto
  4. Rehistro
Daluyan ng Pangkahulugan
  • tunog- mula sa paligid
  • simbolo- biswal na larawan
  • kopikadong pagsulat- sistema ng pagsulat
  • galaw- ekspresyon ng mukha
  • kilos- aksyon
  • ganap na kilos- pag-aawit
Gamit ng Wika
  • Gamit sa talastasan
  • Lumilinang sa Pagkatuto
  • Saksi sa Panlipunang Pagkilos
  • Lalagyan O Imbakan
  • Tagapagsulat ng Damdamin
  • GAmit sa Imahinatibong Pagsulat
Kategorya at Kaantasan ng Wika

Pormal- kinikilala at ginagamit ng nakakarami
Di-Pormal- ginagamit sa pang-araw-araw
Panlalawigan- diyalektal ang ginagamit sa partikular na pook
Balbal- slang
Kolokyal- pang araw-araw na pakikipag-usap
Pambansa- ginagamit sa aklat o paaralan
Pampanitikan- maalim o matalinghaga


  • KOMUNIKASYON- pagpapahayag, pagbabatid, o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan.
Antas ng Komunikasyon
  • Intrapersonal- nakatuon sa sarili
  • Interpersonal- nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok
  • Organisasyonal- paaralan, simbahan
Modelo ng Komunikasyon
  1. Tagapagpadala
  2. Mensahe
  3. Tsanel
  4. Tagatanggap
  5. Tugon/Puna/Reaksyon
Uri ng Komunikasyon

-Komunikasyong Pagbigkas
-Komunikasyong Pasulat
-Pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng komputer





ARALIN 2: 
UNANG WIKA, BILINGGUWALISMO, AT MULTILINGGUWALISMO SA KONTEKSTONG PILIPINO


Image result for MULTILINGGUALISMO IMAGES

Ang Hegemonya ng Wikang Ingles at ang Tugon ng Pamahalaang Pilipino
  • Wikang Ingles- dinala ng mga amerikano at pinalaganap pampubliko at pribadong edukasyon 1901
  • Unang Yugto ng Wikang Tagalog- unang pinangalanang wikang pambansa noong 1935
  • Ikalawang Yugto ng Wikang Tagalog- unang ginawang pang-akademikong asignatura
  • Unang Yugto ng Wikang Pilipino- ang "tagalog" ay pinalitan ng "Pilipino" noong 1959
  • Ikalawang Yugto ng Wikang Pilipino- pinanatili itong wikang opisyal at pang-akademiko
  • Ang Unang Wikang Filipino- artipisyal na wika na balak buuin ng konstitusyon 1973
  • Ang Ikalawang Wikang Filipino- kinilala bilang wika opisyal, pang-akademiko at wikang pambansa
  • Monolingguwalismong Ingles-ayaw ng mga amerikanong ipagpatuloy ang paggamit sa wikang espanyol noong 1901
  • Unang Bilingguwalismo- maaaring gamitin ang mga unang wika bilang auxiliary na wikang panturo
  • Ikalawang Bilingguwalismo- noong 1970 ay tanging wikang Pilipino na lamang ang gagamiting midyum sa pagtuturo sa lahat ng antas pang-akademiko
  • Unang Multilingguwalismo- ito ang pumalit sa ikalawang bilingguwalismo na umiral lamang nang tatlong taon
  • Ikatlong Bilingguwalismo-ito ay ipinatupad noong 1974 at nag-uutos na gamitin ang mga wikang Ingles at Pilipino at nagsantabi naman sa mga unang wika
  • Ikalawang Multilingguwalismo- ipinatupad ni Pangulong Corazon Aquino, at mistulang pinagsamang unang multilingguwalismo at ikatlong bilingguwalismo
  • Ikatlong Multilingguwalismo- ito ang kasalukuyang pambansang patakarang pangwika na ipanatupad noong 2009





ARALIN 3:
LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD AT URI NG WIKA

Image result for lingguwistikong komunidad

  • LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD
Mga Salik ng Lingguwistikong Komunidad
  1. May kaisahan sa paggamit ng wika at naibabahagi ito sa iba- iisa ang anyo at wika o barayti ang wikang ginagamit
  2. Nakapagbabahagi at malay ang kaisipan sa tuntunin ng wika at interpretasyon nito- katulad ito ng kinagawiang interpersonal sa komunikasyon gamit ang pahiwatig ng mga Pilipino
  3. May kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hinggil sa gamit ng wika- 
Mga halimbawa ng Lingguwistikong Komunidad
-Sektor
-Grupong Pormal
-Grupong Impormal
-Yunit

  • MULTIKULTURAL NA KOMUNIDAD
Mga halimbawa ng Multikultural na Komunidad
-internasyonal
-Rehiyonal
-Pambansa
-Organisasyonal


SOSYOLEK, IDYOLEK, DIYALEKTO AT REHISTRO

SOSYOLEK- ay uri ng wika na nalilikha at ginagamit ng isang pangkat o uring panlipunan
IDYOLEK- ay ang natatangit espesipikong paraan ng pagsasalita ng isang tao
DIALEKTO- ay uri ng pangunahing wika na nababago, nagbabago, o nagiging natatangi dahil sa ginagamit ito ng mga taong nasa ibang rehiyon o lokasyon




YUNIT II:
ARALIN 1:
BILANG INSTRUMENTO

INSTRUMENTAL- maituturing ito na instrumental dahil natutugunan nito ang pangangailangan ng tao 
  1. Pagpapahayag ng damdamin
  2. Panghihikayat
  3. Direktang pag-uutos
  4. pagtuturo at pagkatuto
Prospero Covar- siya ang nagsabing magkakaugnay ang loob, labas, lalim ng ating pagkatao

Image result for estruktura ng pagkataong pilipino

Wika ng Panghihikayat at Pagganap

Bigkas-pagganap- ang paggamit ng wika ng isang tao upang paganapin at di-deriktang pakilusin ang kausap niya batay sa nilalaman ng mensahe

  1. Lokusyunaryo- ito ay ang literal na kahulugan
  2. Illokusyunaryo- ito ay ang kahulugan ng mensahe
  3. Perlokusyunaryo- ito ay ang pagkilos pagkatapos matanggap ang mensahe

ARALIN 2: 
REGULATORYO

Image result for regulatoryo

REGULATORYO- ito ay nag tatakda, nag-uutos, nagbibigay-direksyon sa atin

Elemento ng Regulatoryo

  1. Batas o kautusan na nakasulat, nakikita, o inuutos nang pasalita
  2. Taong may kapangyarihan o posisyon na nagpapatupad ng kautusan o batas
  3. Taong nasasaklawan ng batas na sumusunod dito
  4. Konteksto na nagbibigay-bisa sa batas

Tatlong Klasipiko ng Regulatoryo
  1. Berbal- Ang tawag sa lahat ng kautusan, batas, o tuntunin na binabanggit laman nang pasalita ng pinuno
  2. Nasusulat, Nakalimbag, Biswal- ang lahat ng kautusan, batas, o tuntunin, na mababasa, mapapanood,  o makikita na ipinatutupad ng nasa kapangyarihan
  3. Di-nasusulat na Tradisyon- ito ay mahabang tradisyon ng pasalin-saling bukangbibig, batas, tuntuning sinusunod ng lahat

Halimbawa ng Regulasyon o Batas
  • Saligang Batas o Konstitusyon
  • Batas ng Republika
  • Ordinansa
  • Polisiya
  • Patakaran at Regulasyon

ARALIN 3:
INTERAKSIYONAL

Image result for interaksyonal

INTERAKSIYONAL- ito ay bahagi na ng ating sosyal na pamumuhay

Interaksiyon sa Cyberspace
Halimbawa:

1. Dalawahan
  • email
  • personal na mensahe
2. Grupo
  • group chat
  • forum
3. Maramihan
  • sociosite
  • online store


ARALIN 4:
PERSONAL

Malikhaing Sanaysay

Sanaysay- ito ay nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.
Malikhaing Sanaysay- ito naglalaman ng sariling pananaw ng may-akda

Mga Halimbawa:
  • Biograpiya
  • Awtobiograpiya
  • Alaala
  • Sanaysay
  • Personal na Sanaysay
  • Blog
Bahagi ng Sanaysay
  1. Panimula
  2. Katawan
  3. Wakas


ARALIN 5:
IMAHINATIBO

IMAHINATIBO- ito ay ginagamit sa paglikha, pagtuklas, at pag aliw

Gamit ng Imahinatibong Panitikan
  1. Pantsya
  2. Mito
  3. Alamat
  4. Kuwentong-Bayan
  5. Siyensiyang Piksiyon


ARALIN 6:
HUERISTIKO AT REPRESENTATIBO

HUERISTIKO- ito ay pag-iimbestiga, pa-eeksperimento kung tama o mali
REPRESENTATIBO- ito ay ang bisa ng wika sa ganitong pagkakataon

Apat na Yugto Tungo sa Maugnaying Pag-iisip

A. Paggamit ng Sintido-kumon
-ang pinakakaraniwang paraan ng pag-iisip at pangangatwiran
B. Lohikal na Pag-iisip
-may tatlong uri
  • lohika ayon sa pangangatwiran o argumento
  • lohika ayon sa pagkakasunod-sunod
  • lokika ayon sa analisis
- may dalawang anyo
  1. hinuhang pangkalahatan
  2. hinuhang pambatayan
C. Kritkikal na Pag-iisip
-mataas na antas na pag-iisip
  • masusing pagtukoy sa kaligiran ng suliranin
  • pagsusuri, pag-uuri, pagpuna
  • paglalatag ng alternatibo
D. Maugnaying Pag-iisip
- ang pinakamataas ma antas ng pag-iisip
  • repleksiyon
  • kritika
  • interpretasyon
  • pananaliksik na multidisiplinaryo
  • pananaliksik na interdisiplinaryo

PAG-UULAT-BISWAL: ANG POWERPOINT PRESENTATION
Powerpoint presentation- ay isang paraan ng paglalahad ng impormasyon.

MGA PANANDA PARA SA KOHESYONG GRAMATIKAL
A. Anapora- pangahalip na ginagamit sa pangungusap o talata upang tukuyin ang naunang nabanggit na pangngalan o paksa
B. Katapora- panghalip na unang ginagamit sa pangungusap o talata bago bangitin ang pangngalan o paksa
C.Pangatnig- upang maging suwabe, madulas, at magkakaugnay ang mga ideya o pahayag








YUNIT III:
ARALIN 1:
WIKANG FILIPINO AT MASS MEDIA

  • MEDIA- ay isang institusyong panlipunan tulad ng pamilya, paaralan,simbahan, at pamahalaan na tanging tungkulin ay maging tagabantay, tagamasid, taga-ulat ng mga pangyayari sa lipunan 
  • MASS MEDIA- ang sangay nito ay pahayagan, radyo, at telebesiyon

PANONOOD BILANG PAGBASA, PAGKATUTO, AT PAGKONSUMO
  • PANONOOD- ikalimang kasanayang pangwika 
MGA URI NG PALABAS
A. TANGHALAN-  maaaring mapanood ng pagtatanghal bilang palabas na umaarte ang mga tauhan.
B. PELIKULA- nanood tayo ng kuwento sa pelikula
C. TELEBISIYON- ito ay midyum samantalang ang mga programa sa telebisiyon ang palabas
D. YouTube- maari na ring manood ng mga palabas sa YouTube